dzme1530.ph

2 kumpanya, nakalusot sa unang stage ng bidding para sa driver’s license project

Dalawa mula sa tatlong kumpanya na nag-bid para sa pagsu-supply ng driver’s license cards ang pumasa sa unang stage ng pagbusisi ng Bids and Awards Committee ng Department of Transportation.

Naghahabol ng oras ang DOTr dahil naubusan na ang Land Transportation Office ng plastic cards na ginagamit sa driver’s licenses, kaya naman papalitan muna ito ng digital versions.

Ang dalawang bidders ay dati nang nakapag-supply ng plastic cards sa pamahalaan.

Ang ALLCARD INC. ay nag-bid para sa driver’s license project sa halagang P177-M, kabilang ang taxes habang ang BANNER PLASTIC CARDS INC. ay nag-post ng mas mataas na bid na P219-M kasama rin ang taxes.

About The Author