dzme1530.ph

2 Heneral ng PNP, pinagli-Leave of Absence ni DILG Sec. Abalos

Nakiusap si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos sa dalawang heneral ng Philippine National Police (PNP) at walo pang pulis na mag-Leave of Absence habang nakabinbin ang imbestigasyon sa 990 kilos ng Shabu Haul na katumbas ng P6.7-B na nakumpiska sa drug raid noong Oktubre 2022.

Sa isinagawang press confernce, pinangalanan ni Abalos, sina PLt.Gen Benjamin Santos at  hepe ng drug enforcement group  PBGen Narciso Domingo dahil sa posibleng may “massive attempt to cover-up” ang kaso.

Ipinakita ni Abalos ang isang (CCTV) footage na nagsisilbing ebidensya sa fact-finding board na pinamumunuan ni National Police Commission Vice Chairperson Alberto Bernardo kung saan nakita sa site ang ilang opisyal ng Philippine National Police noong araw ng mga operasyon.

Binigyan ni Abalos ng isang linggo ang mga pinangalanan para mag-file ng kanilang Leave of Absences at kung hindi ay sususpindehin ang mga ito.

Ayon kay Abalos, ang kaniyang panawagan para sa leave ay upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon at para hindi kontamina ang mga ebidensyang hawak nila. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

 

About The Author