dzme1530.ph

2 dayuhan, patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Mindanao

Dalawang dayuhan na nasa money lending business o pautang ang pinaslang sa Sultan Kudarat at Maguindanao.

Binaril ng mga hindi nakilalang salarin ang 30-anyos na Indian na si Jaspreet Singh habang sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa hepe ng Datu Paglas Municipal Police, pagnanakaw ang isa sa mga posibleng motibo sa krimen bagaman sinisilip din nila ang iba pang mga anggulo.

Samantala, isang 23-anyos na Pakistani national naman ang patay din sa pamamaril sa Sultan Kudarat.

Naniningil ng pautang ang biktima na kinilalang si Arshad Taraz Khan sa Barangay Salaman, sa bayan ng Lebak nang itumba ito ng mga salarin. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author