dzme1530.ph

2 bayan sa Oriental Mindoro, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng ASF

Idineklara ang State of Calamity sa mga Munisipalidad ng Roxas at Mansalay sa Oriental Mindoro bunsod ng kumpirmadong mga kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor, nakumpirma ang presensya ng nakahahawang sakit sa mga baboy sa mga Barangay Bagumbayan at Dangay sa Roxas habang may mga napaulat na namatay na mga baboy sa Mansalay.

Nilagdaan ni Dolor ang Executive Order na nagbabawal na makalabas sa mga naturang bayan ang pork at pork products upang maiwasan na kumalat pa sa ibang bahagi ng lalawigan ang ASF. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author