Umabot sa 47°C ang heat index sa Daet, Camarines Norte at Pili, Camarines Sur, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nakaranas naman ng 44°C ang Casiguran, Aurora at 43°C naman sa Baler at Aparri, Cagayan.
Habang 42°C ang naitala sa Dagupan City, Pangasinan; Infanta sa Quezon; Calapan, Oriental Mindoro; at sa Catbalogan sa lalawigan ng Samar.
Ayon sa State weather bureau, ang heat index na naglalaro sa 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na nasa danger level na maaaring magdulot ng cramps, exhaustion at stroke. —sa panulat ni Jam Tarrayo