dzme1530.ph

2 bagyo sa labas ng PAR, mahigpit na binabantayan ng PAGASA; Habagat magdadala ng pag-ulan sa Luzon, Visayas

Patuloy na umiiral sa bansa ang Hanging Habagat na nagdadala pa rin ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, mahigpit silang naka-monitor sa bagyong Egay at Falcon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Dagdag ng PAGASA wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ngunit patuloy nitong pinapairal ang Hanging Habagat.

Huling namataan ang Tropical Storm Falcon sa layong 1,300 kilometers silangan ng Eastern Visayas, taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyong Falcon pa-kanluran timog kanluran, sa bilis na 10 kilometers per hour.

Inaasahang papasok sa PAR ang bagyong Falcon bukas ng gabi o sa linggo ng umaga. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author