Umabot sa 2.6 million kilos ng basura ang na-kolekta sa Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) program na inilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Ito ay sa pagtutulungan ng 580,000 na indibidwal at 109,000 na lokal na opisyal na nakiisa sa clean-up drive.
Sa national status report ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t, umabot sa kabuuang 9,189 na Brgy. ang nakilahok sa Nationwide Clean-Up Program na isinagawa noong weekend kasabay ng Community Development Day.
Magsasagawa ang DILG ng quarterly recognition upang kilalanin ang mga magiging pinaka-malinis na lokal na pamahalaan sa ilalim ng KALINISAN Program. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News