Paunang 1,000 pabahay ang ipatatayo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa mga pulis at sundalo.
Sa ambush interview sa anibersaryo ng Philippine Army, inihayag ng Pangulo na mayroong property sa Cavite na angkop na pagtayuan ng pabahay.
1K housing units ang itatayo sa pilot program ng pabahay, 500 para sa militar, at 500 para sa pulisya.
Iginiit ni Marcos na tumatayong Commander-in-chief na marami pa ring Pulis ang walang sariling bahay o “squatter”.
Kaugnay dito, binigyang-diin ng Pangulo na ang anumang hakbang ng gobyerno sa pabahay ay hindi lamang magsisilbing financial investment, kundi investment sa well-being o kalidad ng buhay ng uniformed personnel upang hindi na nila alalahanin kung saan sila uuwi at ang kanilang pamilya habang sila ay nasa serbisyo.