dzme1530.ph

19 suspects na sangkot sa phone scams, dineport ng Cambodia

19 na Japanese suspects ang dineport ng Cambodian Authorities pabalik ng kanilang bansa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa phone scams.

Sa gitna ito ng patuloy na pagbuwag ng Japanese Police sa crime groups na naka-base sa labas ng Japan.

Nakakuha ang Tokyo Police ng arrest warrants para sa mga suspek at nagpadala ng 50 imbestigador sa Cambodia upang maiuwi ang mga ito sa kanilang bansa.

Modus ng mga suspek na linlangin ang kanilang mga biktima na mayroon umano silang overdue payments sa paid subscription websites sa Japan.

About The Author