Nasa 180,000 lokal na trabaho ang bukas para sa High School graduates, ayon sa Department of Labor and Employment-Bureau of Local Employment.
Sinabi ng DOLE-BLE na karamihan sa mga bakante na naka-post sa PhilJobNet, ay permanente, subalit mayroon ding mga contractual jobs.
Kabilang sa available na trabaho ay Production Machine Operators, Call Center Agents, Production Workers, Domestic Helpers, Production Helpers, Service Crew, Sales Associate Professionals, Quality Assurance Inspectors, Cashiers, at Technical Assistants.
Inihayag ng DOLE-BLE na batay sa pag-aaral, ang trabahong iniaalok para sa high school graduates ay limitado lamang sa blue-collar positions. —sa panulat ni Lea Soriano