Sugatan ang 18 katao sa sunog na naganap sa Bocaue Bulacan, kaninang madaling araw.
Ayon kay Bocaue Bureau of Fire Protection (BFP) Fire Sr. Inspector Earl Carlo Mariano, pasado alas-2 kanina nang sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma sa isang bodega ng paputok sa Barangay Bunducan.
Bandang alas-5:11 naman ng umaga nang maapula ang sunog o tatlong oras mula nang magsimula ito.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng naturang insidente. —sa panulat ni Airiam Sancho