dzme1530.ph

177 police officers, nasampahan ng mga kaso sa NCR kaugnay ng iligal na droga —PBBM

Ini-ulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa 177 police officers ang nasampahan ng drug-related offenses sa Metro Manila.

Ito ay bunga umano ng pinalakas na kampanya laban sa law enforcers na dawit sa kalakalan ng iligal na droga.

Ayon sa Pangulo, kabilang sa mga kinahaharap na kaso ng mga Pulis ay may kaugnayan sa pagtatanim ng ebidensya, hindi makatarungang pag-aresto, at labis na karahasan.

Bukod dito, sinabi ni Marcos na nasa 151,818 court cases kaugnay ng illegal drugs ang pino-proseso ng Dep’t of Justice, at 121,582 sa mga dawit dito ay naipakulong na.

Ibinida ng Pangulo na ito ay hindi lamang maituturing na magandang numero kundi ito ay nagpapakita ng malaking improvement sa paglaban sa iligal na droga na nakatutok sa rehabilitasyon, reintegration, at preventive education programs lalo na sa kabataan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author