Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maayos ang trato at mabuti ang lagay ng kalusugan ng 17 Filipino seafarers na bihag ng Houthi Rebels.
Sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na nakausap ng isang opisyal sa Yemen ang mga tripulanteng Pinoy na lulan ng mv galaxy leader noong Jan. 2.
Idinagdag ni Daza na mahigpit na binabantayan ang kalagayan ng Pinoy seafarers upang malaman kung ano pang tulong ang maaring maibigay ng pamahalaan upang mapabilis ang kanilang paglaya.
Hindi naman tinukoy ng DFA official ang demands ng Houthi rebels kapalit ng kalayaan ng mga Pilipino na isa’t kalahating buwan na nilang bihag mula nang hijack-in ang galaxy leader sa Red Sea.
Ginawa ng Iran-backed rebels ang pagha-hijack upang ipakita ang kanilang suporta sa mga Palestinong nasawi sa pambobomba ng Israel. —sa panulat ni Lea Soriano