dzme1530.ph

16 pulis sinibak sa serbisyo sa pagsisimula ng taon

Sinibak sa pwesto ang nasa 16 na pulis mula January 1 hanggang 17 ngayong taon.

Ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ilan sa mga kaso ng mga sinibak na pulis ay ang pag-AWOL (Absent without Leave), Robbery, Grave Misconduct at iba pa.

Nagpaalala naman si Acorda sa mga immediate supervisor na sila ang accountable para sa kanilang tauhan at panagutin ang mga pulis na masasangkot sa ilegal na gawain.

Samantala, masaya naman ang Criminal Investigation and Detection Group sa kanilang accomplishment, kasabay ng paggunita ng ika 71st Founding Anniversary ng kanilang ahensya. DZME News

About The Author