dzme1530.ph

16-oras na pagkaantala sa suplay ng tubig, mararanasan ng ilang lugar sa Metro Manila, karatig-probinsya simula ngayong araw

Makararanas ng 16-oras na pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa kanlurang bahagi ng Metro Manila at probinsya ng Cavite simula ngayong araw, Aug. 14, hanggang sa Aug. 28.

Ayon sa Maynilad, apektado ng water interruption sa West Zone ng NCR ang Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, at Valenzuela.

Gayundin ang ilang mga lugar sa Cavite kabilang ang mga lungsod ng Bacoor, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.

Paliwanag ng Maynilad, ang water interruption ay bunsod ng isasagawang network maintenance activities upang maabot ang target na uninterrupted water services na mayroong 88% normal pressure, sa pagtatapos ng 2023, at sa lahat ng customer nito sa taong 2027.

Tiniyak naman ng water concessionaire na may mga water tanker silang naka stand-by sa mga apektadong lugar para magbigay ng libreng suplay ng tubig. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author