dzme1530.ph

16, kabilang ang isang bata, patay sa pag-atake ng Russia sa isang palengke sa Ukraine

16, kabilang ang isang bata ang patay, habang halos 30 ang sugatan sa pag-atake ng Russia sa Donetsk Region Ukraine.

Ayon kay Ukranian Interior Minister Ihor Klimenko, nangyari ang pag-atake sa Central City Market.

Sa inilabas na video ng Ukranian officials, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa shopping alleys na ikinalugmok ng mga tao sa kalsada habang ang ilan ay sinikap na tumakbo at naghanap ng masisilungang ligtas na lugar. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author