dzme1530.ph

154 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala

Bumaba pa sa 154 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, kahapon.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 4,173,631 ang total covid-19 cases habang nasa 3, 832 ang aktibong kaso.

Apat naman ang naitalang nasawi kahapon dahilan para umakyat sa 66,626 ang death toll.

Samantala, nasa 4,103,172 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 281 new recoveries.

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, batay sa projection ng kanilang grupo, posibleng bumaba sa 100 hanggang 150 ang maiuulat na new COVID-19 cases ngayong Sabado, Aug 5, 2023. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author