Nakatakdang dumating sa bansa bukas ang may kabuuang 152 Overseas Filipino Workers mula sa Sudan, ayon sa Department of Migrant Workers.
Sinabi ni DMW sec. Susan Ople na ang mga repatriated OFW ay uuwi sa bansa sa pamamagitan ng dalawang batch, at darating bukas sa pamamagitan ng Saudi Airlines na aalis mula sa Jeddah at Riyadh ngayong Miyerkules.
Aniya, ang mga bagong batch ng repatriated OFWs ay kabilang sa 340 evacuees na tinulungan ng Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Cairo mula sa Port Sudan patungong Aswan, Egypt.
Nakikipag-ugnayan din ang Pamahalaan sa Philippine Airlines para sa pagpapauwi ng 140 pa na OFWs na hindi pa nakukumpleto ang border process, sa pamamagitan ng chartered flights.