Iginiit ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na panahon nang ipasa ang panukalang batas na magbibigay ng 14th month pay sa mga manggagawa, bukod pa sa kasalukuyang 13th month pay.
Paliwanag ni Sotto, mula nang ipatupad ang 13th month pay noong 1976 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 851, malaki na ang itinaas ng cost of living kaya’t kailangan na ng dagdag na benepisyo para sa mga empleyado.
Sa panukala, ang 13th month pay ay irerelease tuwing Hunyo 14 para makatulong sa gastos sa edukasyon, habang ang 14th month pay ay ibibigay bago mag-Disyembre 24 para sa holiday at year-end expenses.
Saklaw ng panukala ang lahat ng non-government rank-and-file employees, mga manggagawa sa ilalim ng Kasambahay Law at iba pang tumatanggap ng 13th month pay.
Ito ay sa kondisyong nakapagtrabaho sila ng at least isang buwan sa loob ng isang taon.
Hindi naman imamandato ang mga kumpanya nakaranas ng pagbagsak ng kita o ang mga kumpanyang nagkakaloob na ng kahalintulad na insentibo.