dzme1530.ph

1,400 sundalong Pilipino, Amerikano, lumahok sa Joint Littoral Live Fire Exercises sa Zambales

Kabuuang 1,400 sundalong Pilipino at Amerikano ang lumahok sa Combined Joint Littoral Live Fire Exercises sa Zambales, na bahagi ng Balikatan Exercises.

Pasado alas-9 ng umaga nang magsimula ang aktibidad sa Naval Station sa Bayan ng San Antonio, at sinaksihan ito mismo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ang mga sundalo ay kinabibilangan ng mga Marino, Sailors, Airmen, at Coast guards men ng magkabilang bansa.

Bukod sa Pangulo, present din sina defense Officer in Charge Senior Usec Carlito Galvez Jr., National Security Adviser Eduardo Año, US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson, at iba pang opisyal.

Sa nasabing aktibidad, isinagawa ang pagpapaputok ng High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS), kung saan naging target ang isang decommissioned warship ng Philippine Navy.

Layunin nitong masanay ang mga sundalo sa pag-detect, pag-identify, pag-target, at pag-atake gamit ang ground at air-based weapon systems. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author