dzme1530.ph

14 na Domestic flight kinansela ng tatlong local airlines dahil sa epekto ng bagyong #Betty

Aabot sa 14 na Domestic flight ang kinansela ng tatlong Local Airlines dahil sa posibleng epekto na dala ng bagyong Betty sa ilang bahagi ng bansa.

Ang Philippine Airlines. apat na Domestic flight ang kinansela ngayong umaga kabilang ang flight PR2932/2933 Manila – Basco – Manila at PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila

Habang walong flight naman sa Cebu Pacific kabilang ang flight 5J 196/197: Manila – Cauayan – Manila; 5J 404/405: Manila – Laoag – Manila; 5J 504/505: Manila – Tuguegarao – Manila; 5J 506/507: Manila – Tuguegarao – Manila

Dalawang domestic flight din ang kinansela ng CebGo kabilang ang flights DG 6177/6178: Manila – Masbate – Manila.

Pinapayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero kaugnay sa naturang kanselasyon na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author