Hindi bababa sa 14 na church worshippers ang nasawi matapos atakihin ng mga militanteng grupo sa Eastern Congolese Province ng Ituri.
Ayon kay Djugu Territory Administrator Ruphin Mapela and Civil Society Leader Dieudonne Lossa, mga miyembro ng Cooperative for the Development of the Congo (CODECO) group ang nasa likod ng pag-atake.
Kwento pa ni Lossa, nagdadasal ang mga biktima nang paulanan ng bala ng CODECO Militiamen ang mga ito.
Napag-alamang siyam sa mga binawian ng buhay ay sibilyan, 4 ang assailants at isa ang sundalo.
Tiniyak naman ni Ituri Army Spokesman Jules Ngongo Tshikudi, na nananatiling nakaalerto ang army forces para mahuli ang mga nasa likod ng pamamaril. —sa panulat ni Jam Tarrayo