dzme1530.ph

13 bansa, teritoryo sa buong mundo mayroong “healthy” air quality

Sa report ng IQ-Air, isang kumpanya na sumusukat sa kalidad ng hangin sa buong mundo, mula sa 131, 6 na bansa at 7 teritoryo lamang ang nakasunod sa Air Quality guidelines ng World Health Organization.

Ang mga bansa ay kinabibilangan ng Australia, Estonia, Finland, Granada, Iceland at New Zealand habang ang pitong teritoryo ay sa Pacific and Carribean, kabilang ang Guam at Puerto Rico.

Pitong bansa naman na kinabibilangan ng Chad, Iraq, Pakistan, Bahrain, Bangladesh, Burkina Faso, Kuwait at India ang mayroong Poor Air Quality.

About The Author