dzme1530.ph

128 dayuhang pugante na nagtatago sa bansa, naaresto ng BI noong 2023

Inihayag ng Bureau of Immigration na nasa 128 na puganteng dayuhan, ang kanilang naaresto, naideport at nahatulan sa kanilang mga bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga alien fugitive ay nahuli sa iba’t ibang operasyon na isinagawa ng fugitive search unit (FSU) Operatives.

Karamihan sa mga naarestong pugante ang 39 na South Korean, na sinundan ng 25 Chinese nationals, 15 Vietnamese, 12 Taiwanese, 11 Americans, at 8 Japanese.

Ilan sa mga krimeng kinasangkutan ng mga ito ay investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at smuggling.

Kabilang sa mga nanatili sa bansa ay ang miyembro ng extremist group na kilala bilang Khalistan Tiger Force sa India na pinamumunuan ni Manpreet Singh, Risa Yamada, Fujita Kairi, at Sato Shohei na dinakip sa buwan ng Enero, Marso, at Abril dahil sa kanilang kaugnayan sa sindikatong ‘Luffy’. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author