dzme1530.ph

$120-M deals, seselyuhan sa official trip ng Pangulo sa Saudi Arabia; mahigit 15,000 Pilipino, makikinabang!

Nakatakdang selyuhan ang $120 million na halaga ng mga kasunduan sa official trip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Saudi Arabia.

Sa roundtable meeting sa Riyadh kasama ang Saudi business leaders, inihayag ng Pangulo na mahigit 15,000 Pilipino ang makikinabang sa multi-million dollar deals.

Ito ay sa pamamagitan ng ibubunga nitong training at employment opportunities sa iba’t ibang larangan sa construction industry.

Sa ngayon ay hindi pa binanggit kung ano-ano ang mga seselyuhang kasunduan.

Samantala, pinuri rin ni Marcos ang Saudi Arabia dahil sa pagkakaroon ng pinaka-malaking populasyon ng Overseas Filipino Workers sa mundo, na aabot sa isang milyon.

Ito rin umano ang may pinaka-malaking community ng filipino professionals sa mga industriya ng engineering, architecture, at healthcare. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author