dzme1530.ph

12 senatoriables at 9 party-lists, nag-file ng COC at CONA sa ikatlong araw ng paghahain ng kandidatura

Umakyat na sa 39 ang mga aspirante sa pagka-senador habang 34 na ang party-lists na naghain ng kanilang kandidatura para sa Halalan 2025.

Nagtapos ang ikatlong araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) sa pamamagitan ng pagpapatala ng 12 pang aspirante sa pagka-senador.

Ilan sa mga ito sina Doc Willie Ong na nag-file ng COC sa pamamagitan ng kanyang misis na si Doc Liza, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Senador Christopher “Bong” Go at aktor na si Philip Salvador.

Samantala, 9 na party-lists naman ang nagsumite ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA), kahapon.

Kabilang sa mga grupo na target maka-pwesto sa kamara ay ang 1-Agila, Swerte, FPJ Panday Bayanihan, Barangay Health Workers, Solid North, Health Workers, ANGAT, Ahon Mahirap, at Kamalayan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author