dzme1530.ph

12 kaso ng EG.5 subvariant ng Omicron naitala sa bansa

Umabot na sa 12 ang naitalang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant na EG.5 sa bansa, batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang naturang resulta ay mula sa latest sequencing na isinagawa noong July 26 hanggang August 1.

Sinabi ng World Health Organization (WHO) nasa ilalim ng kategoryang “variant of interest’ ang EG.5.

Lubha aniyang nakababahala ang bagong variant na dahilan ng pagkalat ng COVID-19 virus sa China, South Korea, Japan at Canada.

About The Author