Nasa 105 repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ang ligtas na napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas mula sa bansang Kuwait.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), lulan ng flight EK336 ang mga repatriated Pinoys na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Nakatanggap ang mga ito ng financial, food at transportation assistance mula sa DMW-OWWA.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng OFWs, kabilang na rito ang pagtutok sa hiling ng mga naabusong manggagawang Pinoy abroad na nais nang magbalik-bansa.