Tinatayang aabot sa 100,000 na turista ang inaasahang magpupunta sa Baguio City sa Lenten break.
Ayon sa Baguio City Police Office, naka full alert na ang kanilang mga istasyon ganun din ang City Tourism Office para masiguro ang seguriad at kaligtasan ng mga bibisita ngayong Holy Week.
Nagpakalat na aniya sila ng mahigit 1,000 kapulisan sa mga tourist spots, simabahan, at mga terminal ng bus at van.
Mayroon aniyang naka puwesto sa police assistance desk para asistehan ang mga motorista na paakyat ng Baguio, at sila rin aniya ang mag-ga-guide sa mga ito sa mga puwedeng alternative route na maluwag pang madaanan.
Payo ng Baguio City Police, maging mas mapagpasensya at asahan na ang heavy traffic sa lugar. —sa panulat ni Jam Tarrayo