dzme1530.ph

100 OFW, nagpasyang manatili sa Sudan

Hindi aabot sa 100 Pilipino ang nagpasyang manatili sa Sudan sa kabila ng bakbakan sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary group, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ipinaliwanag ni DFA Asec. Paul Cortes na nagpasya ang ibang Pinoy na manatili sa Sudan dahil sa kanilang mga pamilya at iba pang work commitments.

Gayunman, tiniyak ni Cortes na tutulungan pa rin sila ng pamahalaan ng Pilipinas sakaling magbago ang kanilang isip at magpasyang lumikas.

Idinagdag ng opisyal na mayroong honorary consulate na maaring kontakin ng mga Pinoy upang ipagbigay alam ang kanilang kalagayan.

About The Author