Inaprubahan ng World Bank ang $100-M na loan ng bansa para palakasin ang Agricultural Development sa Mindanao.
Sa statement, sinabi ng Washington-based multilateral lender na inaprubahan ng kanilang Board of Executive Directors ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project.
Nasa 120,000 na mga magsasaka at mga mangingisda sa mga piling ancestral domains sa Mindanao ang inaasahang makikinabang sa programa na ang layunin ay pataasin ang produksyon sa agrikultura.
Ayon sa World Bank, 33.4% ng kabuuang halaga ng agricultural production sa Pilipinas ay mula sa Mindanao, sunod sa Luzon na may 39.2% habang ang Visayas ay mayroong ambag na 27.4%.