dzme1530.ph

10 Pinoy sa Gaza, hindi pa rin makontak ng DFA mula nang maputol ang komunikasyon noong Biyernes

Sampung Pilipino sa Gaza Strip ang hindi pa rin makontak simula noong Biyernes nang maputol ang internet at linya ng mga telepono sa lugar sa gitna ng pag-atake ng Israeli Forces, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na 126 pa lamang mula sa 136 na Pilipinong nasa Gaza ang kanilang nakausap.

Nababahala si de Vega dahil ayon sa kanya ay hindi maganda ang sitwasyon sa Gaza, at mahalagang makontak ang sampung Pinoy upang malaman ang kanilang kalagayan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author