Hindi nakawala sa bangis ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang isang opisyal at tatlong iba pang pulis nang sibakin ang mga ito dahil sa kaso ng pag-Hit n’ Run na pumatay sa isang tricycle driver.
Sa pagdinig ng PLEB, hinatulang guilty si dating Quezon City Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief PLt. Col. Mark Julio Abong sa multiple charges ng Grave Misconduct, Grave Neglect of Duty at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Sa naturang pagdinig, napatunayan na sa halip tulungan ang nasagasaan, napaulat na tumakas pa ang opisyal sa tulong ng mga kasamahang pulis na sina PCol. Alexander Barredo at Pol. Corporal Joan Vicente.
Sa sertipikong pinirmahan ni PNP chief Rodolfo Azurin kinumpirma na si Abong ay isinugod sa PNP Health Service sa gabi ng insidente para gamutin ang sugat na tinamo nito.
Napag-alaman din na lango sa alak si Abong at dinala pa sa health facility gamit ang police mobile ng lungsod.
Nadamay naman at nakita rin na guilty ng Grave Misconduct si Pol. Sr. Master Sgt. Jose Soriano matapos na subukang pigilan ang imbestigasyon kaugnay ng hit-and-run incident.
Kapwa suspendido ng anim na buwan ang mga ito.