dzme1530.ph

1.84 million jobs, target ng IT-BPM Industry ngayong 2024

Target ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) na maabot ang 1.84 million jobs at $39 billion na kita ngayong taon.

Ayon kay Information Technology & Business Process Association (IBPAP) President and CEO Jack Madrid, isinara ng IT-BPM ang 2023, sa pamamagitan ng 1.7 million direct employment.

8% aniya itong mas mataas kumpara sa nalikhang trabaho noong 2022.

Nakapagtala rin ang industriya ng mahigit $35 billion na kita para sa ekonomiya noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author