dzme1530.ph

₱500 M kinita ng 2022 Metro Manila Film Festival

Naabot ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang 500 milyong pisong target na gross sales, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Masayang inanunsyo ni MMDA Chief at MMFF Overall Chairman Romando Artes na naabot nila ang target sa kabila nang bumabangon pa lamang ang industriya mula sa epekto ng COVID-19 Pandemic.

Idinagdag ni Artes na Certified Box-Office Hit ang 2022 MMFF.

Tampok sa film festival ang walong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa buong bansa simula noong Pasko 2022 hanggang enero a-syete ngayong taon.

Una nang inanunsyo ng MMDA na extended ito hanggang sa enero a-trese

Batay sa Gross Sales Receipt, nanguna sa may pinakamaraming nanood ang Deleter, Family Matters, Labyu with An Accent, at Partners in Crime.

About The Author