dzme1530.ph

₱4-B halaga ng smuggled E-cigarette nasabat ng BOC

Sinalakay sa magkakahiwalay na operation ng Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS- MICP) ng Bureau of Customs (BOC) ang tatlong bodega sa Malabon, Paranaque at Quezon City na naglalaman ng mga smuggled na E-Cigarettes na nagkakahalaga ng halos apat na bilyong piso.

Ayon sa kay si CIIS-MICP Chief Alvin Enciso, nakatangap ang ahensiya ng timbre na may ipinupuslit sa bansa na mga kargamento na walang kaukulang dokumento at hindi dumaan sa tamang proseso.

Agad namang nagkasa ng tatlong linggong surveillance ang mga otoridad upang makumpirma ang target, matapos nito ay isinagawa ang raid sa tatlong magkakahiwalay na Bodega.

Dagdag pa ni Enciso, karaniwang galing ang mga puslit na produkto sa China at base sa imbestigayon ay sinasama ng paunit-unti ang mga kontrabando sa mga legal na produkto tulad ng Freely Importable Goods upang hindi mahalata at maipasok sa bansa.

Nasa proseso ng pagbabantay ang BOC sa mga porta upang matukoy ang posibleng dinadaanan ng mga puslit na Outright Smuggle papasok sa Pilipinas.

Patuloy naman ang imbestigation ng mga awtoridad sa mga may-ari ng bodega.

About The Author