Epektibo na simula April 1, 2024 ang ₱15 na second tranche ng umento sa sahod sa Region 2 (Cagayan Valley), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Dahil dito, nasa ₱450 na ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa non-agriculture sector, habang ₱430 sa agriculture sector.
Matatandaan na naglabas ang wage board sa Cagayan Valley ng motu propio Wage Order no. RTWPB 2-22 noong September 21, 2023, na nagpo-provide ng ₱30 increase sa arawang sahod ng mga empleyado sa rehiyon.
Kasabay ng pag-iisyu ng wage order ay ang pagbibigay ng first tranche.