Naglaan ang Department of Agriculture ng ₱72.8-M para sa Coconut Farmers and Industry Development Plan sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa taong 2023 hanggang 2026.
Ang naturang pondo ay ipagkakaloob ng D.A. sa Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) para sa project implementation.
Nilagdaan nina Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban at MAFAR Minister Mohammad Yacob ang Memorandum of Agreement para sa pagsasakatuparan ng coconut-based coffee and/or cacao enterprise development project sa BARMM.
Sinabi ni Panganiban na nais ng D.A. na magpatupad ng marami pang proyekto upang mapagbuti ang produksyon ng prutas at iba pang high value crops para sa export sa pamamagitan ng partnerships sa MAFAR.