Nakakumpiska ang Customs Intelligence and Investigation Services ng record-breaking na ₱85.167-B na halaga ng smuggled goods noong nakaraang taon.
Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na isa itong unprecedented anti-smuggling accomplishment sa kasaysayan ng Bureau.
Sa kabila naman nito ay inamin ni Rubio na nangangailangan pa rin ng mahigpit na pagbabantay, sa gitna ng mga bagong modus na ginagamit ng criminal organizations.
Idinagdag ng Customs Chief na bilang pagkilala sa mga kinakaharap na hamon sa kanilang tungkulin, paiigtingin pa nila ang kanilang anti-smuggling drive dahil ang nakataya ay ang kaligtasan ng lipunan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera