dzme1530.ph

₱782-M halaga ng heavy equipment, itinurnover ng Pangulo sa NIA regional offices

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-turnover ng ₱782.132 million na halaga ng heavy equipment sa regional offices ng National Irrigation Administration.

Sa seremonya sa Mexico City, Pampanga ngayong Miyerkules, tinanggap ng 17 regional offices ng NIA ang mga bagong excavators, trailer trucks, at dumpers, na parte ng second tranche ng 3-year re-fleeting program ng NIA.

Gagamitin ito sa Operation and Maintenance ng Irrigation Systems partikular sa Canal Desilting Operations bilang paghahanda sa wet crop season, tungo sa pagpapabilis ng irrigation development sa bansa.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na makatutulong ang mga kagamitan sa mga magsasaka upang maiwasan ang pagkasira ng mga pananim at maayos na paggamit ng water resources, para sa mas mataas na ani.

Mahalaga rin ito sa harap ng patuloy na pag-rekober ng ilang lugar sa epekto ng bagyong Carina at Butchoy.

About The Author