dzme1530.ph

₱76-B na health emergency allowance, ni-release ng DOH

Naglabas ang Department of Health (DOH) ng kabuuang ₱76.1-B para bayaran ang Health Emergency Allowance (HEA) ng public at private professionals, alinsunod sa Republic Act no. 11712, as of March 19, 2024.

Inihayag ng DOH na saklaw ng naturang halaga ang bayad sa 8,549,207 claims simula July 1, 2021 hanggang July 20, 2023.

Sinabi ng ahensya na para sa fiscal year 2024, ₱19.8-B lamang ang inilaan para sa HEA sa ilalim ng General Appropriations Act, kung saan ni-release na ng DOH ang 99% nito o ₱19.7-B.

Idinagdag ng DOH na nangangailangan pa sila ng tinatayang ₱27-B para bayaran ang atraso na inihain ng health facilities.

About The Author