Kailangang gumastos ang Pilipinas ng mahigit ₱50B kada taon upang maibaba sa ₱29 ang kada kilo ng bigas para sa lahat, ayon sa Department of Agriculture.
Ginawa ni Agriculture Usec. Asis Perez ang pahayag sa joint congressional inquiry kaugnay ng lumulobong food prices, smuggling, price manipulation, at hunger.
Tinanong ng mga mambabatas si Perez kung bakit ang 29-per-kilo ng bigas sa ilalim ng Kadiwa program ay ibinibenta lamang sa poorest of the poor at senior citizens.
Aminado ang DA official na mahirap sa ngayon na ibenta para sa lahat ang ₱29 per kilo na bigas dahil limitado lamang ang fiscal space, kaya prayoridad nila ang mahihirap na pamilya at nakatatanda.
Gayunman, tiniyak ni Perez na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maabot pa ang ibang vulnerable sectors na makikinabang sa murang bigas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera