dzme1530.ph

₱500M pondo para sa anti-agri economic sabotage law, kailangan nang ilabas

Loading

Umapela si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na ilabas na ang ₱500 milyong pondo na itinakda sa Anti-Agriculture Economic Sabotage Law of 2024.

Ayon kay Pangilinan, bagama’t July pa nag-request ng pondo ang Anti Economic Sabotage Council, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipagkakaloob.

Dahil dito, patuloy aniyang nakapapasok sa bansa ang bilyon-bilyong pisong halaga ng smuggled rice, manok, gulay at tobacco habang wala ni isang big time smuggler ang napapanagot.

Binalaan din ni Pangilinan na posibleng i defer niya ang second reading approval ng 2026 national budget kung hindi pa maibibigay ang pondo sa oras na simulan ang deliberasyon.

Hindi aniya niya suportado ang pagpasa ng budget kung mananatiling walang pondo ang batas na naglalayong protektahan ang mga magsasaka, mangingisda at maging ang mga consumer.

Nanawagan ang senador sa Malacañang at sa mga ahensyang responsable sa pondo na bigyang prayoridad ang paglalabas ng budget upang masimulan ang mas agresibong kampanya laban sa agricultural smuggling, isang suliraning matagal nang nagpapahirap sa lokal na sektor ng agrikultura.

About The Author