![]()
Hindi makatotohanan ang pahayag ng Department of Trade and Industry na sapat ang ₱500 para sa pang-Noche Buena ng isang pamilyang Pilipino.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, kung pag-uusapan ang handa para sa Noche Buena, mas mataas sa ₱500 ang karaniwang gastos.
Kung ang pamilya ay may limang miyembro, tig-₱100 lamang ang mapupunta sa bawat isa, na hindi sapat lalo na kung bibilhin ang karne o meat products.
Pinuri naman ng senador ang administrasyon sa pagpapanatili ng mababang inflation na hindi lumalagpas sa 2%, dahilan kaya nananatiling matatag ang presyo ng bigas at iba pang pagkain.
Aniya, mahalaga ang consistent na mababang inflation upang hindi lumaki ang hinaing ng publiko sa presyo ng bilihin.
