Kulang na kulang ang inaprubahang ₱50 na dagdag sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ito ang iginiit ni Sen. Christopher “Bong” Go kasabay ng panawagan ng agarang pagtugon sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na patuloy na nagpapahirap sa mga ordinaryong manggagawa.
Muli ring iginiit ni Go na napapanahon nang isabatas ang panukalang ₱100 legislated wage hike na kasama sa priority bills na kanyang inihain sa unang araw ng 20th Congress.
Iginiit ng senador na bawat piso, bawat sentimo, ay napakahalaga kaya dapat taasan na ang sahod.
Panawagan din ni Go sa mga kapwa mambabatas na agad nang ipasa ang panukala upang maramdaman ng tao ang tulong sa kanila ng gobyerno.
Nangako ang senador na susuportahan ang wage hike at mga pro-poor programs na dapat ang mga ordinaryong Pilipino ang makikinabang.