Itinurnover ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Bureau of Treasury ang mahigit ₱50-M na pondo na iniugnay sa terrorism financing, alinsunod sa ruling ng Regional Trial Court sa Maynila.
Sinabi ng AMLC na napatunayan sa korte na may kaugnayan ang naturang pondo sa Marawi Seige, kung saan marahas na tinangka ng grupong Maute na magtatag ng terroristic government.
Nadiskubre umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang terror funds sa isinagawang operasyon ng gobyerno upang mabawi ang kontrol sa Marawi City.
Ang pag-turnover sa pondo ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng AMLC, AFP, Bureau of Treasury, Bangko Sentral ng Pilipinas, Land Bank of the Philippines, at Office of the Solicitor General.