dzme1530.ph

₱37-B Mindanao Transport Connectivity Improvement project, inaprubahan

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang ₱37-billion Mindanao Transport Connectivity Improvement Project (MTCIP).

Sa ika-21 NEDA Board Meeting sa Malacañang, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayo ring NEDA Board Chairman na dapat nang simulan sa lalong madaling panahon ang proyekto.

Sinabi ng Pangulo na ito ang malaking proyektong pang-imprastrakturang magko-konekta sa Northern Mindanao, Davao Region, at Soccsksargen Region.

Makatutulong din umano ito sa mga magsasaka at mga komunidad sa pamamagitan ng mas maayos na mga kalsada at mas madaling access sa market o mga pamilihan, tungo sa pagpapalabas ng buong potensyal ng Mindanao.

Sinabi naman ni Dep’t of Public Works and Highways Sec. Manny Bonoan na ang proyekto ay maghahatid ng high-level traffic services sa pamamagitan ng mabilis at ligtas na paglalakbay para sa pagpapasigla ng socio-economic activities, tungo sa pag-unlad ng rehiyon at ng buong bansa.

Ang proyekto ay pangungunahan ng DPWH at popondohan ng World Bank hanggang sa makumpleto sa 2030. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author