Maituturing na insulto sa mga manggagawa ang dagdag-sahod na P35 piso sa daily minimum wage increase sa Metro Manila.
Ito ang iginiit ni dating Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin kasama na ang bigas at iba pang pangangailangan.
Matatandaang isinusulong ni Zubiri ang legislated P100 daily minimum wage increase sa pribadong sektor at iginiit na dapat mag-apruba ang wage boards ng mas mataas pang halaga ng increase hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.
Iginiit ng senador na dapat ay sinundan na ng mga wage boards ang mga naging pagdinig sa Senado kung saan malinaw na kinakailangan ang P100 increase.
Napakaliit aniya ng P35 pisong para makatulong sa isang araw ng manggagawa na hindi makakabili ng kahit isang kilong bigas.
Ipinaalala pa ni Zubiri na tumaas pa ang inflation nitong Mayo sa 3.9% kumpara sa mga nakalipas na buwan.
Iginiit ni Zubiri na dapat tandaan ng mga wage board na ang dapat nilang unahin ay ang kapakanan ng mga manggagawa at hindi ng mga employer.
Muli ring umapela ang mambabatas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang kanilang inaprubahang panukala para sa legislated P100 daily minimum wage hike sa pribadong sektor.