dzme1530.ph

₱35 na minimum wage hike sa Metro Manila, makatwiran —PCCI

Makatwiran para sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang ₱35 na umento sa arawang sweldo ng minimum wage workers sa private sector sa National Capital Region.

Sa statement, tiniyak ni PCCI President Enunina Mangio na mahigpit na tatalima ang mga employer sa bagong minimum wage na ₱645 mula sa ₱610, na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR.

Sinabi ng pinakamalaking business group sa bansa na babantayan at pag-aaralan din nila ang epekto ng wage increase sa micro and small enterprises na itinuturing na backbone ng ating ekonomiya.

Binigyang diin ng PCCI Chief na makatwiran ang ₱35 wage hike kumpara sa dating ipinanukala na ₱100, na aniya ay mabigat para sa mga employer at posibleng magresulta sa pagsasara ng mga negosyo at pagkawala ng mga trabaho.

About The Author