dzme1530.ph

₱305.1-B, inilaan ng gobyerno para sa flood-control programs sa 2025

Naglaan ang administrasyong Marcos ng ₱305.1-Billion para sa flood-control programs sa ilalim ng proposed ₱6.352-Trillion 2025 national budget.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, ₱302 billion ang mapupunta sa flood-control programs ng Dep’t of Public Works and Highways.

₱2.173-Billion naman ang alokasyon sa Metropolitan Manila Development Authority.

May inilaan ding ₱10 million para sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

Ipinaliwanag naman ni Pangandaman na hindi isang one-time project at kalimitang tumatagal ang konstruksyon ng flood-control projects.

Sa kabila nito, mahalaga pa rin umanong buhusan ito ng pondo sa harap ng malalakas na pag-ulan at pagbahang nararanasan sa bansa.

About The Author